Matatapos na ba ang maliligayang araw sa pagwawaldas ng pondo mula sa Tobacco Excise Taxes?
Nilagdaan ang Joint Memorandum Circular (JMC) bilang 2020-1 noong Hunyo 25, 2020 ng Department of Budget and Management at Department of Agriculture na nagtalaga ng panuntunan sa alokasyon, pagpapakawala at paggamit ng local government units (LGU) sa kanilang share sa 2020 tobacco excise taxes.
Pasilip lang– mula sa P18B 2017 tobacco excise taxes, P14.4B ang napunta sa 5 lalawigang nagtatatanim ng dahong Virginia — Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Misamis Oriental.
Habang ang 14 lalawigang produkto’y barley at native na tabako ay P3.61B na kabilang ulit ang Abra, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Kalinga, Tarlac, Occidental Mindoro, Misamis Oriental, Maguindanao at North Cotabato.
Sa 2022, mahigit P21B na ang paghahati-hatian ng mga probinsya at bayan mula sa tax revenues ng 2020. Nakalahad sa JMC 2020-1, magkakaroon ang mga LGUs ng 5 porsyento, ngunit hindi hihigit sa P4B, sa nalikom na revenue mula sa mga produktong tabako. Nasa 15 porsyento naman mula sa kinita sa excise taxes ng sigarilyong Virginia-type, ngunit hindi hihigit sa P17 billion, ang mapupunta sa benepisyaryong LGU.
Mahigpit ang tagubilin ng JMC 2020-1 sa mga LGUs. Mga programang magtataguyod lamang ng “economically viable alternatives” para sa nagtatanim ng tabako at mga proyektong magsusulong at magpapalawak sa kakayahan ng mga magsasaka sa tabakong Virginia ang pupuntahan ng pondo.
Trainings at tulong pinansyal sa pamamagitan ng kooperatiba, pangkabuhayan, imprastraktura at iba pang proyektong agri-industrial ang nararapat nq paglalaanan ng mga LGUs.
Maglalaan din dapat ang mga LGUs ng 25% mula sa kanilang shares upang palawigin ang kooperatiba, proyektong pangkabuhayan at suportang pinansyal sa rehistradong magsasaka ng tabako.
Ang mainam– kinakailangang mag-ulat ang mga LGUs kung paano ginastos ang pondo at iulat bawat tatlong buwan sa DBM, DA at sa Bureau of Local Government Finance ang katayuan ng mga proyekto.
Isa pang kontra-daya — dadaan sa masusing pag-aaral ng National Tobacco Administration (NTA) ang mga programa at proyekto kung naayon sa panuntunan ng JMC 2020-1 bago pa ma-aprubahan at pondohan.
Ito na ba ang wakas sa serye ng pagnanakaw sa pondong ito? Sana’y ito na nga ang simula ng magandang kinabukasan ng mga magsasaka!
May 29, 2021
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 13, 2025
April 13, 2025