BAGUIO CITY
“ As far as criminal liability is concern, sa amin po yong sa criminal liability ay wala namang criminal na nangyari , kasi malinaw naman na aksidente ang nangyari,” ito ang naging pahayag ni Col.Ruel Tagel, city director ng Baguio
City Police Office. “Siguro ang masasabi lang natin, kasi ang mga elevator ay may service provider ang mga yan at gawin na lamang ng SM ay to make a regular orientation sa mga empleyado niya, as far safety protocol is concern to
avoid similar incident in the future.”
Matatandaan noong Nobyembre 2, base sa initial investigation ng pulisya, ang biktimang si Robin Dacanay Esguerra, 45, janitorial leadman sa janitorial services provider ng SM City Baguio, ay aksidenteng nahulog dakong
alas 3:39 ng hapon sa elevator. Agad na naisugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ang biktima ng
mga nagresponde sa pinangyarihan ng insidente, subalit namatay ito dakong alas 6:10 ng gabi, ng araw ding iyon.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay nasa ikatlong palapag sa service elevator ng mall, na ang isa dito ay naka-shut down o’ hindi ginagamit, dahil walang umanong gaanong malaking delivery ng araw na iyon.
Tinangka umanong buksan ng biktima ang nasabing naka-shut off na service elevator sa pamamagitan ng paggamit ng leverage para buksan ang naka-stuck-up na pinto at nang mabuksan ay hindi nito namalayan na wala ang cabin
nito, kaya’t siya ay nahulog sa upper ground floor na may humigit-kumulang 20 metro. Ayon kay Tagel, na kung
talagang ginagamit ang nasabing elevator ay kusa itong magbubukas pagdating sa palapag na seserbisyuhan
nito, pero sa nangyari sa biktima ay lumitaw na gumamit siya ng isang bagay para buksan ang pinto ng elevator na ka-locked at hindi nakita kung may cabin ito. Nabatid na ang tanging pamilya ng biktima ang pwedeng makapag-sampa ng civil case laban sa nasabing mall.
Zaldy Comanda/ABN
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024