CAMP CAPT.JUAN DUYAN, Kalinga
Pormal na idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA), Drug-Free Workplace ang pitong municipal police station at isang city sa lalawigan ng Kalinga, matapos na makasunod at pumasa sa mga parameter na itinakda ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 13 Series of 2018, sa ginanap na seremonya na ginanap sa Camp Captain Juan M Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga, noong Agosto 6.
Ang mga Chief of Police ng walong police stations ay nakatanggap ng Certificate of Confirmation at Drug Free Marker mula kay PDEA Regional Director III Laurefel Gabales, na kinabibilangan ng Tabuk City Police Station; Balbalan MPS;Lubuagan MPS;Pasil MPS;Pinukpuk MPS;Rizal MPS;Tanudan MPS at Tinglayan MPS. Bilang highlight ng programa, ang ceremonial unveiling ng Drug-Free Workplace Markers ay pinangunahan din ni Gabales
ang mga officials ng bawat bayan at sinaksihan ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Headquarters,
Provincial Drug Enforcement Agency-Kalinga, 1st KPMFC at mga kalahok mula sa National Support Units (NSUs).
Labis na binati ni Gabales ang kapulisan sa kanilang pagsusumikap at debosyon ng City/Municipal Police Stations
ng Kalinga PPO sa tagumpay ng Drug-Free Workplace Program. Binigyang-diin niya na ang City/Municipal Police Stations ng Kalinga PPO ay nagpakita ng isang organisasyong nagtatanggol sa integridad at positibong nakakaapekto sa Lalawigan ng Kalinga. Binanggit din niya ang bagong mukha ng campaign rally ng kasalukuyang administrasyon laban sa iligal na droga, na nananawagan para sa maprinsipyo, may pananagutan at maaasahang pamahalaan na pumupukaw sa kamalayan ng lipunan tungo sa pagbabago, participatory governance, paglago ng ekonomiya at mapanatili ang karangalan ng kapulisan ng Cordillera bilang Home of the Most Disciplined Cops”
Zaldy Comanda/ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024