WATER DELIVERY BOY NALAMBAT SA DRUG BUST SA PANGASINAN

SAN FERNANDO CITY, La Union

Walang kawala ang isang water delivery boy sa buy-bust na isinagawa ng pulisya, makaraang
mahulihan ito ng shabu na may halagang P544,000.00 sa Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan, noong Mayo 31. Matapos ang surveillance na isinagawa ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Pangasinan Provincial Police Office, sa koordinasyon ng PDEA-R01, ay nasakote nila ang suspek na si Mark Vincent Diaz Ampaya, 25 at residente ng Lucao District, Dagupan City. Pinuri ni Brig.Gen.John Chua, regional director ng Police Regional Office-1 ang
matagumpay na pag-aresto sa mga nagbebenta ng droga.

“Ang gawaing ito ay nagtakda ng mood upang ipakita sa mga drug personality na sineseryoso natin ang ating anti-illegal drugs campaign. Walang let-up. Patuloy nating gampanan ang ating misyon
nang may kasipagan at katapatan upang makamit ang isang mapayapa at walang droga na komunidad”. Dinala ang suspek sa Lingayen District Hospital, Lingayen Pangasinan para sa medico-legal examination at pagkaraan, ang mga nakumpiska ay sa PNP Provincial Forensic Unit sa Lingayen, Pangasinan para sa Drug Test at Laboratory Examination. Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 para sa pagsasampa.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon