BAGUIO CITY
Sa pagbabalik ng Kids Camp ng Citylight Hotel, muling itinampok ang sunod-sunod na culinary workshops activities sa mga batang edad
4-13 ngayong buwan ng Mayo. Sa loob ng tatlong magkakasunod na weekend, binibigyan ng hotel Food and Beverage Department ng
Citylight Hotel ang mga bata ng ligtas at masayang espasyo para matuto ng bagong kasanayan habang nag-eenjoy. Ayon kay Florianne
Cadangen, Human Resource Supervisor ng Citylight Hotel, mahigit 75 bata ang sumali sa unang araw ng Little Pastry Chef session, at higit 70 naman sa ikalawang araw. Umabot din sa 49 ang lumahok sa unang araw ng Little Barista class, na bagama’t karamihan sa mga sumali ay mula sa Baguio at La Trinidad ay bukas ang programa sa walk-in guests at mga bisita mula sa ibang lugar.
Binigyang-diin ni Cadangen na layunin ng camp ay matulungan ang mga bata sa komunidad na magkaroon ng bagong kaalaman, makabuo ng pagkakaibigan, at lumakas ang tiwala sa sarili. Mahalaga rin aniya ang pagpapatibay ng ugnayan ng pamilya at ang pagpapalago ng positibong pag-unlad ng kabataan. Pinangungunahan ng mga bihasang staff, kabilang ang senior baristas at chefs ng hotel, ang bawat workshop para matiyak na ligtas, suportado, at may kalidad ang pagtuturo sa mga bata. Ibinahagi ni Cadangen ang bawat temang workshop-Little Pastry Chef, Little Barista, at Little Gourmet Chef-ay hango sa sariling culinary offerings ng Citylight Hotel, upang ipakita sa mga bata na pwedeng maging masaya at makabuluhan ang mga ganitong kasanayan.
Bukas ang camp sa lahat, at hinihikayat din ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pag-enjoy sa
merienda buffet. Dahil sa mainit na pagtanggap, plano ng hotel na gawing taunang tradisyon ang Kids Camp upang mas mapalakas pa ang ugnayan ng komunidad. Sa bawat workshop, ginagawang makabuluhan at masaya ng Kids Camp ang mga ordinaryong weekend para sa
buong pamilya. Habang patuloy na nadidiskubre ng mga bata ang kanilang talento at lumalalim ang samahan ng pamilya, pinapatunayan ng event na ang tunay na weekend getaway ay iyong nagbibigay ng saya, pagkamalikhain, at di-malilimutang alaala.
Denease Pabandero/UB-Intern
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025
May 17, 2025