Inireklamo ang isang welder ng pagnanakaw bandang 9:48pm ng Hulyo 12, 2018 sa Harrison Night Market, Baguio City.
Ito ay sa reklamo ng isang 16 anyos na binatilyo, residente ng Bonifacio Street, Baguio City, kasama ang kaniyang pamilya nang magpunta sila sa Harrison Night Market upang bumili ng mga stuff toy at cellphone casing. Nasa stall ng cellphone accessories ang biktima upang mamili ng casing nang maramdaman niyang may kumukuha ng kaniyang puting Silvertec Mobile Powerbank CS59 na may kapasidad na 1300mAh, na may Silver Spring USB connect na nagkakahalaga ng P2,000 at nakapaloob sa kaniyang itim na sling bag.
Hinawakan ng biktima ang kaniyang sling bag at gayun din ang kamay ng suspek na kinilalang si Rocky Garcia Evangelista, 45, welder at residente ng Springhills, Loakan, Apugan, Baguio City. Ibinalik naman ng suspek ang ninakaw na powerbank sa sling bag ng biktima.
Ipinaalam ng biktima sa kaniyang ama ang insidente. Nang kokomprontahin na ng ama ng biktima ang suspek ay sinubukang tumakas ng suspek subalit pinigilan ito ng ibang tao na naroon sa lugar.
Matapos nito, humingi sila ng tulong sa mga otoridad na naka-deploy sa Night Market at inaresto ang suspek. Ang suspek ay nasa kustodiya na ng PS7-BCPO at ang kaso ay inihahanda para sa inquest proceedings.
July 14, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025