WIN-WIN SOLUTION PARA SA DEVELOPMENT NG PALENGKE-SEMBRANO

BAGUIO CITY

“I go for a win-win solution for all stakeholders, and first and foremost protection ng mga vendor ang aking concern,” ito ang pahayag ni
city councilor candidate Elaine Sembrano, kaugnay sa Market Development ng Baguio City Public Market. Ayon kay Sembrano, kung
sinuman ang magde-develop ng palengke natin ay dapat tapusin at mabigyan ng prioridad na maprotektahan ang mga vendor dito. “Kung ang city government ang talagang magtake-over, dahil iyon ang gusto ng nakakarami, see to it na kaya ng ating siyudad na tapusin yan. Huwag lang parang pachop-chop ang rehabilitation,kasi kung hindi, walang mangyayari at hindi matatapos yan,” pahayag ni Semrano.

Si Sembrano ay naging City Councilor noong 2007 hanggang 2010 at hinawakan nito ang Market,Trade, Commerce and Agriculture bilang chairperson at nagpatuloy ang kanyang committee noong 2013 hanggang 2016. “Panawagan ko lang, piliin natin kung sino ang
makakatapos para sa rehabilitation ng ating palengke at huwag pabayaan ang ating mga vendor at alang-alang din sa kanila na maging
komportable sila sa kanilang pagtitinda.” “Sa ating mga constituents ng Baguio, let us go for a win-win solution para sa ating palengke, but first of all ay ang concern ng ating mga vendor, na dapat ay mabigyan sila ng tamang lugar, komportableng puwesto at malinis na lugar para sa mga turistang nagtutungo,” pahayag pa ni Sembrano.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon