World Heritage Cities Solidarity Cultural Festival ng Vigan, binuksan

LUNGSOD NG VIGAN – Maganda at tamang panahon para sa mga turista na muling bisitahin ang Lungsod ng Vigan dahil bubuksan ang World Heritage Cities Solidarity Cultural Festival ngayong Setyembre.
Sinabi ni Mayor Juan Carlo Medina ng Vigan na layunin ng festival na i-reactivate at palakasin ang cultural activities gayundin ang pagsulong at pagtatatag ng papel ng kabataang henerasyon sa konserbasyon ng tangible at intangible heritage ng lungsod.
Nag-umpisa ang cultural festival noong Biyernes sa pagbubukas ng food at trade fair sap raking grounds ng Vigan Convention Center.
Iba’t ibang lokal na produkto ang handog dito at ang mga natatakam sa  lutuing katutubo na ugnay sa Vigan gaya ng pamosong longanisa  at bagnet na paborito sa matagal ng panahon ay maaaring tikman.
“Come to Vigan and experience its local food and products,” ani Medina.
Naglatag ng maayos na mga karatula ang Vigan Traffic Division upang masiguro ang magaang daloy ng trapiko na papunta at palabas ng food at trade fair.
Kasama  ang Vigan City ng buong heritage cities ng buong mundo sa obserbasyon ng World heritage Cities Solidarity Cultural Festival bawat taon at sa selebrasyon nito bilang isang cultural property ng mundo mula pa Disyembre 1999. ABN

Amianan Balita Ngayon