WPS AY PARA SA MGA PILIPINO

Mainit na usapin pa rin ang gulo sa West Philippine Sea at ang pilit at agresibong pag-aangkin ng ibang bansa sa teroritoryo ng Pilipinas sa karagatan. Ang isyu sa WPS ay nagbibigay ng malaking hamon hindi lamang sa gobyerno kundi sa bawat Pilipino. Ang laban sa WPS ay hindi lamang laban ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. or ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at Philippine Coast Guard. Ito ay laban ng bawat Pilipino ngayon at sa susunod pang henerasyon.

Kami sa Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayapaan at Kaunlaran o NSKK ay nagbibigay pugay sa ating mga
sundalo na nagpakita ng kanilang lakas at katapatan sa adbokasiya at kampanya upang maprotektahan ang ating
soberanya at Karapatan sa WPS at sa ating terirotoryo. Ang mithiin ng bawat Pilipino ay maging malaya sa ano mang
pang-aapi. Hindi baling masira ang mga barko at sasakyang pandagat wag lang makuha ng dayuhan kung ano ang
pagmamay-ari ng Pilipinas.

Kami ay nananawagan sa bawat Pilipino na suportahan din ang kampanyang ito, dahil ito ay nagpapakita ng
pagmamahal natin sa ating Inang Bayan tulad ng pagmamahal ng mga bayaning nanindigan at nakibaka para
makamit natin ang payapa at Bagong Pilipinas na ating tinatamasa ngayon. Ang WPS ay para sa mga Pilipino, ang yaman nito ay para sa mga Pilipino! Yes to Bagong Pilipinas! Nagkakaisang Samahan Para sa Kapayapaan at Kaunlaran (NSKK)

Amianan Balita Ngayon