Yap, naglaan ng P89M pondo para sa Scholarship Program at P1.3 bilyon para sa medical assistance, libreng hospitalization

LA TRINIDAD, Benguet – Naglaan ang Congressional Office ni Benguet Caretaker Eric Yap ng P89 milyon para sa Scholarships Program at P1.3 bilyong pondo para sa medical assistance at libreng hospitalization.
Nagsimula ang Youth Assistance Program (YAP) noong 2021 para sa humigitkumulang 600 na mga estudyante ngayong taon na mas maraming naka-avail ng Scholarship program na may karagdagang 6,500 na mga magaaral na nagkakahalaga ng P48 milyon.
Ang Tulong Dunong ay isang Grant-in-Aid (Gia) sa ilalim ng mga programa ng tulong pinansyal ng mga mag-aaral ng CHED na may P10 milyon pondo na mayroong 644 na mga mag-aaral.
Habang ang TESDA Scholarship naman ay mayroong 61 iba’t ibang klase ng kurso mula sa kabuuang 1,622 estudyante ang nakaavail ng nasabing scholarship na may pondong P31 milyon.
Higit pa rito, bukod sa Educational Scholarship na ito, isang School Building din ang itinayo sa ilang lugar sa paligid ng lalawigan.
Bukod dito, naglaan din si Yap ng P1.3 bilyong pondo para sa Medical Assistance. Ang budget para sa Tulong Medikal at Libreng Ospital ay ipinamahagi na sa iba’t ibang ospital tulad ng Benguet General Hospital, Baguio General Hospital, District Hospitals, Philippine Heart Center, National Kinney and Transplant Institute at Philippine General Hospital para sa agarang tulong sa mga pasyenteng humihiling para sa Tulong Medikal sa lalawigan.
Bilang karagdagan, mayroon ding pamamahagi ng mga gamot at Wheelchair at Pagtatatag ng mga Pasilidad ng Isolasyon, lalo na sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon