YOUTH CENTER SA ABRA

Sa lalawigan ng Abra, isang Youth Center ang kasalukuyang ipinapatayo ng mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) sa Mataragan National Agricultural School (MNAS) na matatagpuan sa bayan Malibcong. Ayong sa 1504th MC ng RMFB15, napili nila na magpatayo ng Youth Center sa nasabing paaralan bilang bahagi ng kanilang PROJECT SALWAD (Shelter for Ample Learning and Worthwhile Activities for Development), na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral mula pa
sa malalayong baryo sa Abra.

Dagdag pa ng 1504th MC, gamit ang pondo na kanilang nalikom mula sa kanilang personal na ambagan ay opisyal ng sinimulan ang konstruksiyon ng nasabing Youth Center noong October 1, 2022. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagtratrabaho ng mga kapulisan katuwang ang mga barangay officials ng Brgy. Mataragan, Supreme Student Government, Parents and Teachers Association at School Administration ng nasabing paaralan. Kapag matapos ang konstruksiyon, higit sa 200 na mag-aaral ng MNAS ang makikinabang sa nasabing proyekto.

(PROCOR-PIO)

Pulis @ Ur Serbis

Amianan Balita Ngayon