ZERO PROBABLE RABIES CASES, NAITALA SA BAGUIO

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Sa temang “Rabies Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino” tinalakay ang usaping Rabies Prevention and Control Program ng Department of Health (DOH – CAR) sa ginanap na Kapihan sa Cordillera,noong Marso 6. Sa ibinahaging datos ng ahensya patungkol sa Probable Rabies Cases, mula 2019 hanggang sa kasalukuyang taon ay walang kasong naitala sa lungsod ng Baguio, gayundin sa Beguet at Ifugao.

Ang taunang selebrasyon ng Rabies Awareness Month ay kolaboratibong inihahandog ng National Rabies Prevention and Control Committee (NRPCC) at ng Philippine Veterinary Medical Association (PVMA) na naglalayong protektahan at mapalawak ang kaalaman ng bawat isa sa dulot ng rabies. Ngayong buwan ng Marso, ginugunita ang Rabies Awareness Month kung kaya naman mahalagang usapin ito para malaman ng publiko ang maaaring maging dulot ng rabies kung hindi nabakunahan ang ating mga alagang hayop.

Ayon sa datos na ibinahagi ng DOH – CAR Disease Prevention and Control Cluster, mula 2019 hanggang 2023 tumaas ang kaso ng human bite victims na mula 25,033 ay pumalo sa 48,266 at karamihan dito ay dahil sa kagat ng aso kung saan nangunguna rito ang Baguio City at Apayao. “We gave to administer 90% Post-Exposure Prophylaxis (PEP) Completion Rate. Ito po ‘yong mga rabies vaccines natin, this is for our pets. And again nabanggit po na we have to complete our vaccines.

Kailangan po pati po sa anti-rabies vaccines kailangan po natin silang makumpleto,” pahayag ni Kristine Gale Raguindin, Nurse III, DOH – CAR. Natalakay din sa diskusyon ang mga senyales at sintomas kung ang isang tao ay
infected na ng rabies, ito ay ang pagkakaroon ng sinat na kalauna’y nagiging lagnat na, headache, panghihina ng
katawan, paralysis, pagkabalisa, at hydrophobia o’ pagiging matakutin sa tubig. “Ang pinaka-first aid po sa ating dog bite ay ang paghuhugas po ng sugat for 15 minutes in running water,” paliwanag ni Raguindin.

Ibinahagi din ni Raguindin ang pagkakaroon ng 17 na Animal Bite Treatment Centers (ABTCs) sa buong Cordillera,
ang Baguio City ay may 3 na ABTCs ito ay ang Health Service Office, Baguio General Hospital Medical Center, at
Saint Louis University – Sacred Heart Hospital. Patuloy ang pagpapaala ng DOH – CAR sa publiko na pabakunahan ang mga alagang hayop upang mas maprotektahan at maiwasan ang pagtaas ng kaso ng rabies sa rehiyon.

Valerie Ann Dismaya-UB Intern

Amianan Balita Ngayon