REHIYON NG ILOCOS
Hinihikayat ng Center for Health Development (CHD) 1 ng Department of Health (DOH) Ilocos Region ang mga magulang o mga tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak at kabataan sa pinakamalapit na mga health center o rural health units para pagpupurga o deworming ngayong Enero. Puntirya ng ahensiya ang 1.6 milyon na mga bata at kabataan na may edad isang taon hanggang 19 taong gulang na mapurga ngayong taon, sabi ni DOH-CHD 1 medical officer Dr. Rheuel Bobis sa isang panayam noong Martes, Enero 16.
Ang mga bulateng parasito ay sanhi ng mabagal na pisikal at mental na pagunlad, mababang pisikal na aktibidad, mahinang akademikong pagganap, at sa pinakamalalang mga kaso, pagkamatay sa mga bata. Sinabi ni Bobis na ang impeksiyon ay maaari ding maging sanhi ng iron
deficiency anemia sa mga buntis na babae at malnutrisyon sa mga ina at anak. Sinabi niya na ang
aktibidad sa pagpupurga ay community-based at schoolbased at gagawin tuwing Enero
at Hulyo.
Sinabi ni Bobis na noong 2023, halos 70 porsiyento ng 1- taon hanggang 4-taong gulang populasyon at 40 porsiyento ng mga 5 taon hanggang 19 taong gulang ay nakatanggap ng kanilang two-dose na mga medisina. Sinabi niya na naharap ang programa sa mga hamon dahil hindi lahat ng mga estudyante ay pumasok sa mga paaralan ng regular at may kakulangan ng mga deworming drugs. Kaya, sinabi niya, ang probisyon ng ancillary drugs para sa deworming ay iniatang sa local government units (LGUs) habang ang DOH-CHD 1 ay nagbibigay lamang ng karagdagang tulong.
“Para sa taong ito, ipagpapatuloy namin na magdagdag ng deworming medicines sa LGUs at makisama sa Department of Education upang mapalawak ang deworming coverage para sa
batang nasa edad na mag-aral,” dagdag niya.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)
January 20, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024