Patay ang driver ng motorsiklo bandang 10:30pm ng Marso 25 sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bimmangga, Tagudin, Ilocos Sur.
Ang south bound na Toyota Hi-Ace Van, may plakang ZNL 981, na minamaneho ni Cornelio Soriano Peredo, 48 anyos, may-asawa, driver at residente ng Zone 4, Bantay, Ilocos Sur, ay nakabanggaan ang north bound na black Honda TMX 155 MC (walang plaka) na minamaneho ni Jun Padilion Joven, 32 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Bitalag, Tagudin, Ilocos Sur.
Dinala si Padilion ng MDRRMC Tagudin Ilocos Sur sa Ilocos Sur District Hospital sa Brgy. Bio, Tagudin, Ilocos Sur para magamot subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician samantalang dinala rin sa nasabing hospital si Soriano para sa medico legal examination.
March 31, 2018
March 31, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025