10 WANTED PERSON NADAKIP SA ONE-DAY MANHUNT OPERATION SA ILOCOS REGION

CAMP BGEN OSCAR M. FLORENDO

Sa patuloy na pinaigting na anti-criminality campaign ng Police Regional Office-1, sampung indibidwal na wanted ng batas ang nadakip sa ondeday manhunt operation na isinagawa noong Enero 5. Nabatid mula sa report ng Ilocos Norte Provincial Office mula sa tatlong wanted person
ay kinilalang sina Ivory Ann Balderamos, 36, ng Badoc,Ilocos Norte, na may kasong Quialified Theft; Jose Calaycay,44,na may kasong Malversation of Public Fund at Ann Farah Jane Manrique, 32, na may kasong Libel.

Ayon naman sa La Union Provincial Police Office, ang dalawang wanted person na nadakip ay kinilalang sina Rammel de Jesus,38,ng Aringay,La Union,na kasong Homicide at Romulo
Dyquiangco,Sr.,72, ng San Fernando City,La Union,na may kasong paglabag sa SSS Security Act of 2018. Ang Pangasinan Provincial Police Office ay limang wanted person ang nadakip na kinilalang sina Benjo Yanes,46,ng San Manuel,Pangasinan na may kasong Rape; Jayson Cabuang,31, ng San Carlos City na may kasong Robbery; Marcy Eugenio,33, ng Mangaldan,Pangasinan na may
kasong paglabag sa Presidential Decree 1602; Tito Torio,33, na may kasong Frustrated Homicide at Michael Veloza,33,ng Alaminos City na may kasong Qualified Theft.

Sinabi naman ni Brig.Gen.John Chua,regional director, ang Oplan Pagtugis laban sa mga wanted person ay patuloy na isasagawa para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima at
panawagan din sa mga concerned citizen na agad ipagbigay alam sa pulisya kapag may matukoy silang wanted na nagtatago sa kanilang mga lugar para agad itong madakip.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon