100,000 na turista inaasahan sa La Trinidad

LA TRINIDAD, Benguet – Tinatayang 100,000 na turista ang inaasahan ng La Trinidad ngayong Semana Santa.
Ayon kay La Trinidad Tourism Officer Valred Olsim, inaasahan din nila na kahit ganito kalaki ang inaasahang bilang ay magiging payapa ang pagbisita ng mga turista sa tourist attractions.
Tiniyak din ng La Trinidad na ligtas ang mga turista sa petty crimes tulad ng pandurukot.
Dahil sa dami ng turistang inaasahang dadagsa, nagtalaga ng anim na tourist assistance points sa bayan para na rin maiwasan ang paglala ng trapik. Ang mga tourist assistance points na ito ay
pinangungunahan ng kapulisan, Red Cross at ang Kabalikat Civicom.
Matatagpuan ang tourist assistance points sa Strawberry Farm, isa sa papasok ng La Trinidad, isa sa Bahong at isa rin sa kilometer 5.
Nakaantabay naman ang iba’t ibang opisina ng La Trinidad tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang mga kapulisan ng La Trinidad para rumesponde sa anumang aberyang maaring mangyari sa gitna ng
pagdiriwang ng Semana Santa. Rozienna G. Rosales, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon