ITOGON, BENGUET – Binuwag ng mga operatiba ng bayan ng Itogon ang kabuuang 102 na barong-barong na nasa “no-build zones” sa Barangay Ucab upang maiwasan ang higit pang pinsala mula sa natural calamities.
“The need to demolish is to prevent the people from going back and risking their lives, like what happened during the height of Typhoon Ompong,” saad sa Administrative Order No. 23 na inilabas ng bayan, matapos ang matinding pagguho na kumitil ng buhay ng halos 80 katao dito noong kasagsagan ng bagyong Ompong (Mangkhut) sa kalagitnaan ng Setyembre.
Ayon kay Mayor Victorio Palangdan na ang demolisyon ng mga shanties ay nagsimula noong Oktubre 26 at ipagpapatuloy hanggang matanggal lahat ng shanties na nasa danger zone.
Halos 720 shanties sa mga lugar na mataas na madaling gumuho ang iniutos na tanggalin ng pamahalaang bayan.
“We do not have a target date of completion, but we are doing it slowly but surely,” sabi ng mayor.
Aniya, ang 25 shanties na tinaggal ay boluntaryong giniba ng mga may-ari, matapos mailabas ang AO 23, na lumikha ng task force.
Ang sunod-sunod na pagbuwag ay ginawa noong Oktubre 26, 27 at Nobyembre 7, 9 at 10. Ang demolition operation ay inihinto noong Oktubre 29, para mapaghandaan ng bayan ang isa pang malakas na bagyong si Rosita.
“Based on the findings of the MGB (Mines and Geosciences Bureau), the Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC) has recommended for the declaration of several areas as ‘no build zones’ due to its high susceptibility to hazards, most especially to landslides, which are most likely to happen at the occurrence of earthquake and or heavy downpour,” saad sa AO.
Kasama sa mga lugar ang mga bahagi ng Dampinga, bahagi ng Luneta, Simot-simot, Columbia, at Forty Raise sa Barangay Loacan; First gate, Otek, at 070 sa Barangay Ucab; Tipong sa Barangay Ampucao, at Surong 2 sa Barangay Gumatdang.
Nakasaad sa order na noong Oktubre 17, inutusan ng mayor ang mga residente sa mga lugar na kinilala bilang hindi ligtas at inhabitable at ang mga nasa loob ng ‘no build zone’ upang boluntaryong alisin ang kanilang shanties at kampo.
Samantala, iniwan ng bagyong Ompong ang Itogon na wasak, subalit ang mga aral na natutunan ay ipinatupad, nang dumating ang bagyong Rosita na humampas muli sa northern Luzon noong Oktubre.
“Aside from there was no landslide, there was no flooding, the people immediately evacuated voluntarily when they heard that ‘Rosita’ was coming. May kinakatakutan na ang mga tao,” ayon sa Itogon mayor, at tinukoy niya na walang casualty ang naitala noong panahon ni Rosita.
Sinabi ni Palangdan na ang mamamayan ng Itogon ay nagdasal ng kanilang kaligtasan sa ginanap na pagdiriwang ng Indigenous Peoples (IP) noong Oktubre 20, bago dumating si Rosita. Pinangasiwaan ni indigenous priest Fr. Benny Villapa ang indigenous mass.
Ang pagdiriwang ng IP month ay nagtapos kamakailan sa Barangay Upper Loacan. Ang pagdiriwang ay pangunahing pasasalamat sa paggabay at proteksiyon ni “Kabunyan” (god). D. DENNIS JR., PNA / ABN
November 17, 2018
November 17, 2018
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024