P2.78-M mula DOH, tinanggap ng 3 ospital sa Pangasinan

LINGAYEN, PANGASINAN – Nakatanggap ng kabuuang P2.78 milyon ang tatlong provincial government-run hospitals sa Pangasinan mula sa Department of Health (DOH) sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patient (MAIP) program.
Ayon kay Fourth District board member Jeremy Agerico Rosario na ang halaga ay malaking tulong para sa mga pasyenteng indigent at sa mga ospital, gayundin ang pagpapanatili ng kanilang operasyon.
“On top of the benefits from the Philippine Health Insurance, some patients still need to pay excess amount if their hospital bill reached the maximum required depending on their case rates, hence, the MAIP is necessary for those who really cannot pay their bill,” ani Rosario.
Ang MAIP program ay nagbibigay ng pinansiyal na suporta para sa mga pasyenteng indigent na naghahanap ng medical examination, konsultasyon, pagpapagamot at rehabilitasyon, at sa mga naka-confine sa mga government hospitals, dagdag niya.
Ang tatlong benepisyaryo ay ang Pangasinan Provincial Hospital na may P800,000; Umingan Community Hospital – P990,000; at Asingan Community Hospital – P990,000.
Ani Rosario, inaprubahan na ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang Provincial Resolution No. 1978-2018, na iniakda niya, na nagbibigay pahintulot kay Governor Amado Espino III upang pirmahan ang memorandum of agreement sa DOH para sa nasabing programa.
“The resolution is necessary to download the cash grant from DOH to the respective hospital,” aniya.
Sinabi ni Rosario na ang mga provincial government hospital ay mga regular na recipients ng MAIP program.
Ang Pangasinan ay may 14 ospital na pinapatakbo ng provincial government. H. AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon