189% na sapat ang bigas ng Region 1 – DA

LUNGSOD NG DAGUPAN – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) Regional Office sa Region 1 (Ilocos Region) na walng magiging shortage ng bigas dahil ang rehiyon ay 189 porsyentong rice sufficient.
Ayon kay DA Regional Technical Director for Operations Erlinda Manipon, lahat ng probinsya sa Region 1 (Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan) ay lumagpas sa 100 porsyentong threshold para sa produksyon ng bigas kung saan ang Pangasinan ay ikatlo sa top rice producing provinces sa buong bansa.
“Despite our high sufficiency rate (in the region), there are still some uncontrolled movements especially in other regions,” ani Manipon sa isang panayam noong Nobyembre 12.
Aniya, iniutos ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa lahat ng local government units na bumuo ng food security plan upang malaman ang kanilang production rate at ang mga lugar na kumukonsumo ng kanilang naaani.
“The Cordillera Administrative Region (CAR) is currently suffering a rice deficit, which is why the extra rice produce of the region in Pangasinan and La Union primarily goes there, although the primary focus is still set in Metro Manila,” dagdag niya.
Sinabi ni Manipon na ang bansa ay “97-percent rice sufficient” habang ang natitirang 3 porsyento na kailangang mapunan ay kinukuha mula sa mga imports.
Samantala, ang presyo ng red chili pepper o sili ay bumaba na ayon sa report ng DA.
Sinabi ni Manipon na sa monitoring noong Setyembre ay naitala ang P400 kada kilo na pagbaba sa mga presyo mula sa nakaraang presyo na P1,000 kada kilo.
“This price decrease is because of the high production rate. There are numerous sili plantations in eastern Pangasinan,” aniya.
Hinimok niya ang mga magasaka na magtanim ng sili dahil nakita ang oportunidad para mag-invest dito.
Ang mga sili sa Pilipinas ay ginagawang chili paste at chili oil at ini-export pa sa ibang bansa, ani Manipon.
“The ‘sili’ is considered a high-value vegetable seed in the country,” dagdag niya. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon