SAN FERNANDO CITY, La Union
Nangako ang bagong-luklok na commander ng 103rd Ready Reserve Infantry Battalion (RRIBn) na nakabase sa La
Union na pananatilihin ang mga pagsisikap ng battalion sa pagpapanatili ng kapayapaan habang sinisiguro sa mga
mamamayan na tamasahin ang ligtas na buhay sa probinsiya noong Abril 27 sa La Union Convention Center, dito.
Sa kaniyang panunumpa, sinabi ni bagong acting Battalion Commander LtC Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III matapos ang kaniyang pagkakaluklok na nais niyang palakasin ang pakikipagtulungan ng puwersa sa mga lokal na awtoridad at mga lider ng komunidad upang palakasin ang kanilang abilidad na tumugon sa anumang banta na uusbong.
“We shall be proactive in our approach, constantly striving to improve and evolve as a unit…as one team, we will
uphold the values that define us as members of the Infantry Battalion of the province,” ani Ortega. Binanggit din niya ang kaniyang karanasan bilang kagyat na dating gobernador ng probinsiya at bilang dating Chairperson ng Multi-Sectoral Advisory Board, ay magiging malaking tulong upang lalong mapatibay ang Army Transformation Roadmap.
Samantala, iprinisinta ni Commander MGen Romulo Manuel Jr. ng Reserve Command, na nanguna sa seremonya ng pagpapalit ng command ang mga nagawa ng 103rd RRIBn.
Siniguro din niya ang kanilang lubos na suporta sa bagong-luklok na commander. “Be assured that all senior officers will consistently stand by your side, ready to offer assistance and guidance as you lead your unit,” ani Manuel. Kasama sa aktibidad ang Philippin Air Force Commander, Naval Forces ng Northern Luzon, Police Regional Office
1, La Union Police Provincial Office, at iba pang law enforcement agencies upang saksihan ang seremonya. Ang Change of Command ay nagsisilbing isang testament ng patuloy na pangako ng brigade at pamahalaan ng
probinsiya sa mga pagtutulungan na mas lalong palakasin ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa probinsiya.
(KJCR-PIA La Union/PMCJr.- ABN)
May 4, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024