AGUINALDO, Ifugao
Ang tinaguriang “Home of Bounty and Adventure” sa probinsya ng Ifugao ay nagdiwang ng kanilang Apar Ad
Aguinaldo,noong Abril 23-25. Ang “Apar,” mula sa salitang Ayangan, ay nangangahulugang “kampo ng pangangaso”, paraan ng pamumuhay ng mga ninuno sa Mayoyao –kalapit na munisipiladid kung saan nanggaling ang bayan ng
Aguinaldo. Sa paglipas ng panahon, ang mga kampong ito ay kalauna’y naging permanenteng tirahan ng mga
mamamayan ng Aguinaldo.
Ang tatlong araw na piyesta na may temang “Enhancing Potentials for Sustainable Aguinaldo: One Family, One Community, One Aguinaldo,” ay naglalayong tipunin ang mga tao sa bayan na ito at pag-isahin sa pamamagitan ng kultura at tradisyon. Nagsimula ang piyesta sa cultural parade na dinaluhan ng 16 na barangay at nariyan na naki-parada ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Aguinaldo Upang ipagdiwang ang mayamang kultura ng Aguinaldo, may mga inihandang tradisyonal na laro para alalahanin at muling balikan ang mga gawain at libangan ng mga ninuno noong hindi pa uso ang teknolohiya.
Hindi mawawala ang “tajaw” o native dance na sinasalihan ng halos lahat ng barangay. Mayroon ding “iinnat”
(tug of war), “akkad” race (kadang-kadang para sa mga lalaki), “ag-agto” race (ihinabing basket na pinatong sa ulo ng babae), at “karkalamet” (patintero). Pinasalamatan ni Mayor Gaspar Chilagan Jr. ang lahat ng mga dumalo lalo na yong galing pa sa malalayong lugar kabilang na si Congressman Solomon R. Chungalao na binigyang diin ang kahalagahan ng pagdiwang ng mga town fiesta sa probinsya ng Ifugao Matatandaan na naging ganap na munisipalidad ang Aguinaldo sa pamamagitan ng Batas Pambansa Bilang 86,na naisabatas noong September
20, 1980, na nakuha ang pangalan nito sa kaunaunahang Presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.
Maedelyn P. Lumiwan/UB-Intern
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024