BONTOC, Mt.Province
Isang dating miyembro ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG Ampis) ang opisyal na tumalikod sa pakikipag-ugnayan sa Communist Terrorist Group at kusang-loob na sumuko sa Mt Province Police Provincial Office noong Abril 22.
Ang pagsuko ay naganap sa Headquarters ng 1502nd, Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15, na
nagpapakita ng mapagpasyang hakbang tungo sa kapayapaan at pagkakasundo sa rehiyon.
Bilang bahagi ng proseso ng pagsuko, iniabot ng nasabing indibidwal ang isang kalibre.30 US carbine na may serial number 1684104, isang steel magazine para sa Cal. 30, at dalawang live ammunition. Ayon sa Mountain Province PPO, pinili ng rebel returnee na sumuko matapos ang malawakang negosasyon na isinagawa ng mga pulis mula sa iba’t ibang unit ng Mountain Province PPO, RMFB15, RIU-14, Ifugao PPO, RID-COR, NICA-CAR, Buguias MPS, Philippine Army , at Special Action Force-PNP. Sa kasalukuyan, ang sumukong indibidwal ay sumasailalim sa custodial debriefing at ang tamang disposisyon ng baril sa ilalim ng pangangasiwa ng 1502nd MC, RMFB15.
Zaldy Comanda/ABN
April 26, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024