LALAWIGAN NG BENGUET
Sa selebrasyon ng Benguet Indigenous Youth Arts Guild (BIYAG), ay nagpahayag ng tagumpay sa kanilang pagdaraos ng taunang festival sa Benguet Capitol Lobby, noong Abril 22 hanggang 26. Ang kapistahan ay naglalayong ipakita ang yaman ng kultura at sining ng Cordillera, habang pinahahalagahan ang kalusugan ng komunidad. Sa unang palapag ng kapitolyo, nagkaroon ng mga booth na nag-aalok ng iba’t ibang lokal na produkto at sining. Kasama rito ang mga sariwang gulay, prutas, chips, at iba pang produktong agrikultural mula sa Benguet.
Bukod dito, ang mga bisita ay namili rin ng mga magagandang handmade keychain at toys mula sa Arts Booth. Isa pang tampok ay ang Bo-oy Food Products Booth na nag-aalok ng mga fruit wines, strawberry chili jam, at
strawberry alamang, na nagpapakita ng husay ng Benguet sa sining ng pagkain. Sa pangalawang palapag ng Capitol, ipinakita ang mga obra ng mga lokal na alagad ng sining, na naglalarawan ng buhay at kultura sa Cordillera. Ang mga ito ay nagbigaydiin sa kahalagahan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa lokal na kultura at tradisyon.
Bukod sa mga booth ng sining at produktong lokal, nagkaroon din ng Healthcare Booth sa entrance ng Capitol na
nag-aalok ng mga serbisyong pangkalusugan tulad ng HPV vaccine para sa mga taong may edad 9 hanggang 14, deworming para sa mga taong may edad 10 hanggang 19, nutrisyon na may counseling, konsultasyon sa mata at ngipin, pagsusuri ng dugo, at pagsusuri ng ihi. Sa pangkalahatan, ang BIYAG Festival 2024 ay nagdulot ng pagkakataon hindi lamang para sa pagpapasaya at pagpapakita ng sining, kundi pati na rin sa pagbibigay-diin sa mahahalagang aspeto ng kalusugan ng komunidad.
Judel Vincent S. Tomelden/UB-Intern/ABN
April 26, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024