11-M dollar waste-to-worth facility, itatayo sa Dagupan

LUNGSOD NG DAGUPAN – Milyong dolyar ang halaga ng isang pasilidad na itatayo sa Barangay Bonuan, Binloc ng lungsod na ito para sa paglikha ng diesel at methane gas mula sa mga solid wastes.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, ang USD 11 milyong halaga ng pasilidad ay ipapatayo ng Sure Global Company nang libre.
Inihahanda na ng kompanya ang engineering documents matapos ang groundbreaking ceremony noong Hunyo 18.
Ang waste-to-worth project ay konsepto noong 2014 sa tulong ng Procter and Gamble Philippines, na siyang nagsagawa ng feasibility study noon.
“With this project, once and for all, we will be able to address the garbage disposal problem of our city, especially the garbage in our dumpsite,” ani Fernandez.
Diin niya na ang diesel fuel na lilikhain ng nasabing pasilidad ay mayroong parehong kalidad tulad ng ibinebenta sa merkado sa kasalukuyan.
“Our city will spearhead the use of diesel fuel in our vehicles,” ani mayor.
Mayroong 200 hanggang 300 tricycle operators ang sumang-ayon na i-retrofit ang kanilang tricycles upang magamit ang natural gas o methane gas nang libre, ani Fernandez.
“They will not have problem using methane gas, for the facility is expected to operate for 20 years,” aniya.
Inihayag ni Fernandez na ang layunin ng nasabing proyekto ay upang maging modelo ang lungsod sa recycling wastes.
“I do not promise but our goal is towards that. I am just glad that finally, our problem wastes will soon be useful,” dagdag niya. A.PASION, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon