CAMP DANGWA, Benguet
Bilang resulta ng patuloy na kampanya ng Police Regional OfficeCordillera laban sa kriminalidad
ay 11 wanted person ang nalambat sa manhunt operation mula Agosto 27 hanggang Setyembre 2.
Naitala din ang 65 munisipalidad sa rehiyon ang zero crime incidents sa nabanggit na period.
Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), naitala ng Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na tatlong wanted person, sinundan ng Apayao Police Provincial Office (PPO) at Ifugao PPO na may tigdalawang arestado, at ang Abra PPO, Benguet PPO, Kalinga PPO at Mountain Province PPO na may tig-iisang arestado.
Sa pinaigting na presensya ng mga pulis, 65 na munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at apat na istasyon ng pulisya sa Baguio City ay nananatiling mapayapa, dahil ang PRO Cordillera ay nagtala ng zero crime incidents sa mga lugar na ito. Zero crime incidents ang naitala sa anim sa 13
munisipalidad sa Benguet; anim sa pitong munisipalidad sa Kalinga; sampu sa 11 munisipalidad sa Ifugao; siyam sa sampung munisipalidad sa Mountain Province; ang pitong munisipalidad sa Apayao; at ang dalawampu’t pitong (27) munisipalidad sa Abra. Dagdag pa, ang mga istasyon ng pulisya ng lungsod ng Loakan Police Station (PS) 4, Legarda PS5, Aurora Hill PS6, at Marcos Highway PS 10 ay nagtala rin ng zero crime incidents sa 10 police stations sa Baguio City.
TFP/ABN
September 10, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023
September 23, 2023