BANAUE, Ifugao
Dalawang dayuhan ang matagumpay na nailigtas sa lalawigan ng Ifugao matapos ang agarang
pagsasagawa ng Search and Rescue (SAR) operation ng Haggiyo Cops ng Ifugao Police Provincial Office (PPO) sa Sitio Lamagan, Barangay Cambulo, Banaue, Ifugao, noong Setyembre 3. Batay sa ulat na isinumite kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director, kinilala ang dalawang nawawalang dayuhan na sina Roy Schouten, 22 at kapatid nitong si Rich Schouten, 19, kapwa mula sa Netherlands.
Ayon kay Col. Davy Limmong,provincial director ng Ifugao PPO, PCOL agad na ipinakalat ang mga pulis mula sa Banaue Municipal Police Station (MPS) at 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company matapos makatanggap ng impormasyon sa dalawang dayuhan na nawawala noong Setyembre 2, 2023, habang naglalakad sa bulubundukin ng Barangay Cambulo at Brgy. Pula, Banaue, Ifugao.
Kasama ng mga pulis ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Banaue, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, at iba pang civilian volunteers, na nagsagawa ng SAR operations sa bulubundukin na nagresulta ng matagumpay na pagliligtas sa dalawang Dutch national. Agad na binigyan ng paunang lunas ng team ang nasabing mga dayuhan dahil sa minor injuries na kanilang natamo at ginabayan sila pabalik sa town proper para sa karagdagang interbensyon.
TFP/ABN
September 10, 2023
September 10, 2023
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025