1,149 LOOSE FIREARMS NAKUMPISKA, 92 GUN VIOLATORS ARESTADO SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Iniulat ni Brig.Gen. Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera na may
kabuuang 92-gun violators ang naaresto at 1,149 assorted firearms ang nakumpiska sa Cordillera region noong 2022 bilang resulta ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms. Sinabi ni Bazar, ang Kalinga Provincial Police Office ang may pinakamataas na bilang ng mga accomplishments na may 26 na arestado at 19 na nakasampang kaso sa korte na sinundan ng Abra PPO na may 25 arestado at 21 naisampang kaso; ang Baguio CPO ay may 13 arestado aat 8 naisampang kaso; Mt.

Province PPO may 11 naaresto at 6 na sinampahan ng kaso; Benguet PPO may 9 na arestado at 9 na sinampahan ng kaso; Apayao PPO may 6 na arestado at 6 na nasampahan ng kaso at Ifugao PPO may 2 naaresto at 2 naisampang kaso sa korte. Sa 1,149 ay sari-saring unlicensed/ unregistered firearms na naitala, 1,039 loose guns ang isinuko ng iba’t ibang indibidwal at stakeholders habang 110 na baril ang nakumpiska/narekober sa iba’t ibang police operations.

Nangunguna sa listahan ang Abra PPO na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng loose firearms na may 335, na sinundan ng Ifugao PPO na may 154, Benguet PPO na may 153, Mt. Province PPO na may 151, Kalinga PPO na may 126, Baguio City Police Office na may 116 at Apayao PPO may 114 loose firearms. Ang mga loose firearms ay tumutukoy sa isang hindi rehistradong baril, isang tinanggal o binagong armas, na nawala o ninakaw, mga ilegal na ginawang baril, mga rehistradong baril na pagmamay-ari ng isang indibidwal maliban sa lisensyado, at mga may binawi na lisensya alinsunod sa mga patakaran at regulasyon .

“Ang tagumpay na ito ay resulta ng patuloy na pagsasagawa ng mga operasyon ng pulisya sa buong rehiyon at pakikipagugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng dayalogo samga residente at pulongpulong bilang pagsuporta sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa loose firearms,” pahayag ni Bazar.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon