GEN. AZURIN KUMPIYANSA NA MAGIGING 100 PERCENT ANG PAGSUMITE NG COURTESY RESIGNATION SA ENERO 31

PUGO, La Union

Kumpiyansa si Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin,Jr., na lahat ng target na pulis ay magsusumite ng courtesy resignation bago ang deadline nito sa Enero 31. Sa panayam ng ABN,
sinabi ni Azurin na as of 9:00 a.m of Enero 12 ay nasa 88 porsiyento na ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation at ngayon ay on-going na ang pag-process o’ pag-check sa mga isinusimiting courtesy resignation para alamin kung tama ito,bago ito ibigay sa 5- man team committee na mageevaluate at assessment.

“Gaya ng nabanggit ko noong una pa, ang pamamaraan na ito ay isang napakalaking hamon sa hanay ng kapulisan at nakita natin ang responsiveness ng ating mga senior police officers para ipakita ang kanilang suporta sa kampanya natin laban sa illegal drugs,” pahayag ni Azurin. Si Azurin ay nagtungo sa Barangay Cuenca, Pugo,La Union para pangunahan ang groundbreaking ceremony ng itatayong 2-storey Community Police Assistance Centers ( C OM PA C ) ,kaninang
hapon,Enero 12.

“ Ginawa namin ito para ipakita sa publiko na wala kaming itinatago o’ kinikilingan kontra sa illegal drugs. We submit ourselves to cleanse our ranks, to submit ourselves for evaluation and assessment at itong ating mga senior officers ay sila po ang ating future leader sa PNP na haharap sa publiko,” pahayag pa ni Azurin.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon