12-anyos na babae, ginahasa sa Apayao

Aug 27, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO –  Nang nakakuha ng lakas  ng loob ay matapang na inihayag ng isang 12 anyos sa pulis ng Apayao ang panggagahasa sa kanya.Kasama ang isang barangay kagawad at kanyang ate ay nagpunta sa himpilan ng pulis ang Grade 7 na biktima noong Agosto 22.
Isinalaysay nito kung paano ito ginahasa ng 29-anyos na karpinterong kinilalang si King Rivera noong Hunyo 2017 sa barangay Imelda, Sta Marcela, Apayao.
Napag-alaman ng pulis na pagkauwi ng batang biktima mula sa paaralan ay nadatnan sa kanilang bahay ang suspek na kaibigan ng kanyang ama. Sinundan umano ng suspek ang bata nang nagpunta ito sa kusina. Sinuntok ng suspek sa tiyan ang biktima kaya nawalan ito ng malay.
Nang magising ang biktima ay nakahubad na ito sa loob ng kanyang kwarto.
Sinabi ng bata na sa takot niya ay hindi siya nakapagsumbong sa kahit na sino dahil lagi siyang sinusundan ng suspek.
Nang nagkaroon ng pagkakataon ay nagsumbong ito sa kanyang ate na siya namang nag-ulat sa mga opisyal ng barangay at sinamahan ng mga ito ang biktima sa pulis.
Ang naturang insidente ay naganap dalawang linggo lamang matapos na iniulat sa otoridad ang isang tanod sa Conner, Apayao na nag-molestiya ng isang 10 anyos na babae at nanggahasa ng 8 anyos.
Ang Barangay Peace Action Team (BPAT) member na si Bobby Cudiyen, 47, mula sa Ili, Conner, Apayao ay tinutugis pa rin ng otoridad para papanagutin sa panggagahasa sa 8-anyos na batang babae sa isang mapunong lugar noong Agosto 2015 sa Baricawen.
Hinipuan at hinimas din umano ni Cudiyen ang ari ng isa pang 10 anyos na batang babae na itinawid nito sa kabilang bahagi ng ilog noong Oktubre 20, 2016. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest