SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Labing-tatlong chief of police sa Rehiyon 1, ang sinibak sa kanilang puwesto dahil sa kanilang “poor performance”, ayon sa Police Regional Office-1, Camp BGen Oscar Florendo, siyudad na ito.
Ang 13 chief of police ay mula sa Batac City Police Station, Pinili Municipal Police Station, Nueva Era MPS, Carasi MPS, Candon CPS, Narvacan MPS, Santa MPS, Alilem MPS, Salcedo MPS, Sugpon MPS, Santol MPS, Burgos MPS and San Gabriel MPS.
Epektibo ang kanilang pagkasibak sa puwesto noong Hulyo 31 at itinalaga bilang checkpoint supervisors.
Nabatid kay Chief Superintendent Romulo Sapitula, regional director, ang pagkakasibak sa mga hepe ay nakitaan sila ng poor performance sa peace and order na ibinase sa kani-kanilang monthly evaluation rating.
Napag-alaman na bago ginawa ang pagsibak ay nagsagawa ng command visit si Sapitula sa lahat ng police stations at pinagsabihan ang mga hepe na paigtingin ang kampanya sa peace and order, subalit sa ibinigay na taning sa kanila ay nakitaan na mahina ang kanilang performance sa kani-kanilang nasasakupan.
Ang deputy chief of police sa bawat police station ang itinalagang officer in charge, samantlang binigyan naman ng isang linggo ang Pangasinan Police Office na magsumite ng report para sa evaluation ng kanilang performance. ZALDY COMANDA / ABN
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024