17 NPA, sumuko sa Cagayan, Apayao

Feb 17, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Umabot sa 17 mga miyembro at supporter ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army ang boluntaryong sumuko sa magkasamang pwersa ng military troops at ng local police ng Rizal, Cagayan noong Pebrero 11, sa ulat ng Division Public Affairs Office (DPAO) noong hapon ng Pebrero13 .
Ayon kay DPAO Chief Captain Jeffrey Somera, ang mga rebelde ay sumuko sa 17th Infantry Battalion (17th IB) sa ilalim ng 5th Infantry Division (5ID) at ng local police ng Rizal.
Ang 17IB ay sakop ang mahigit limang barangay ng probinsiya ng Apayao sa Cordillera at ang buong rehiyon ng Cagayan Valley.
Ani Somera, ang pagsuko ay pinangasiwaan ni Rizal Vice Mayor Joel Ruma.
Kinilala niya ang mga sumuko na residente ng Barangay Masi, Rizal, Cagayan. Aniya, sa 17 na sumuko, tatlo ay kaanib ng Militia ng Bayan (MB).
Ayon kay 17IB Commander Lieutenant Colonel Camilo Saddam, ang mass surrender ay iniugnay sa agresibong information dissemination ng programa ng pamahalaan upang tulungan ang mga rebelde at kanilang mga supporter na muling tanggapin ang batas at tulungang mamuhay nang payapa.
Isiniwalat ni Somera ang pahayag ni Saddam na nagsasabing ang residente sa lugar ay inihahayag na ang mga pangalan ng kanilang kasamahan.
“We expect more batches of surrenderers in the coming days, since the first group had already convinced their relatives to surrender as well,” aniya.
Sa pahayag ni Brigadier General Perfecto Rimando Jr., 5ID commander, pinuri nito ang pagsisikap ni Vice Mayor Ruma sa pagtulong sa kaniyang mga nasasakupan sa tamang landas.
“In our effort to finish the insurgency and terrorism in our country, what we need are government officials and people who have the courage to stand for righteousness, just like Vice Mayor Ruma,” ani Somera.
“The support of the local government units to our focused military operations is really a big factor in legitimizing our action on the ground,” dagdag niya.
Noong mga nakaraang araw, limang militiamen mula sa parehong barangay ang sumuko sa 17IB matapos madiskubre ng government troops ang malaking kampo ng mga rebelde hindi kalayuan sa parehong barangay. Ang pangkat ng gobyerno ay nakatagpo ng halos 10 rebelde bandang hapon ng Pebrero 10, isang araw bago ang mass surrender, sa parehong barangay. PNA / ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest