170 FAMILIES NAKINABANG SA OUTREACH PROGRAM NG PULISYA SA KALINGA

PINUKPUK,Kalinga – May kabuuang 170 pamilya mula sa Barangay Ang Ballayangon, Pinukpuk, Kalinga ang nakinabang sa community outreach activity na isinagawa ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force
Company sa pangunguna ni Lt. Virginia Sabawil, noong Nobyembre 17. Ang aktibidad ay naaayon sa 1st Kalinga PMFC’s Best Practice na tinaguriang “Project KABADANG” (Kalinga at Pagmamahal sa Kababayan,

Biyayang Alay ng Kapulisan Tungo Sa Adhikaing Kapayapaan na Ninanais ng Mamamayan at Gobyerno) na naglalayong magbigay ng tulong at serbisyo sa mga pamilya at mga indibidwal sa ilang mga komunidad. Nasa 170 food packs ang naipamahagi. Ang outreach program ay paraan ng yunit ng
pagpapalawak ng kanilang taospusong pagmamalasakit sa komunidad at upang maipadama sa kanila ang
presensya ng gobyerno.

Kasama sa aktibidad ang mga lektura/talakayan sa Anti- Insurgency at Anti-Criminality Campaign ng PNP. Gayundin, ang mga kalahok ay nakatanggap ng kinakailangang impormasyon sa kasalukuyang Peace And
Order Situation gayundin ang Crime Prevention Initiatives na ginagabayan ng C,PNP’s M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan) Peace and Development Framework. Dagdag pa, itinuon ng mga
tauhan ang komunidad sa kapayapaan at kaayusan partikular na ang End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), Anti-Drug Campaign ng gobyerno, Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, at pagpapatupad ng mga lokal na batas. Bukod dito, ang nasabing mga tauhan ay namahagi ng
mga materyales sa Information Education Campaign hinggil sa mga paksang tinalakay.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon