CAMP DANGWA, Benguet
Bilang resulta ng walang humpay na manhunt operations laban sa mga taong nagtatago sa bata,
may kabuuang 1,809 wanted person ang nalambat ng Police Regional Office-Cordillera noong
taong 2023. Sa talaan ng Regional Investigation and Detective Management Division, ang Baguio City Police Office ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 618, na sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may 534 na naaresto, Ifugao PPO na may 189 na arestado, Abra PPO na may 159 na arestado, Kalinga PPO na may 146 na arestado, Apayao PPO na may 89 na arestado at Mountain Province PPO na may 74 na arestado.
Sa 1,809 wanted, 274 na indibidwal ang nakalista bilang most wanted person sa iba’t ibang antas: 20 sa antas ng rehiyon, 139 sa antas ng probinsya, at 115 sa antas ng munisipyo. Pinuri ni Brig.Gen.David Peredo Jr., regional director, ang kanyang mga tauhan sa patuloy na pagsisikap sa pagsasagawa ng sabay-sabay na manhunt operations na nagresulta sa matagumpay na pagdakip sa
mga wanted persons.
Zaldy Comanda/ABN
January 20, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025