Nadiskubreng wala nang buhay ang isang 19 anyos na binata sa pagresponde ng mga tauhan ng Station 5 ng Baguio City Police Office dakong 4:20pm ng Hulyo 22, 2018.
Ito ay matapos makatanggap ng ulat ng diumano’y insidente ng pagbigti sa 47 Legarda Road, Baguio City.
Nakitang wala nang buhay ang katawan ni Sherwin Constantino Liggayu, 19 anyos, tubong San Mariano Lallo, Cagayan at caretaker ng nasabing bahay.
Sa isinagawang panayam kay John Clyn Tovera Balimbin, 24, company guard, residente ng Camp 7 at tubong San Mariano Lallo, Cagayan, ay sinabi nitong hindi sinasagot ni Liggayu ang kaniyang cellphone nang tinatawagan niya ito. Bandang 3:30pm ng parehong araw, nagtungo si Balimbin sa nasabing bahay at nang mapansing nakakandado ang main door ay tinanggal niya ang jalousie window sa kusina upang makapasok.
Nang nasa loob ng bahay, binuksan ni Balimbin ang pinto ng kuwarto ni Liggayu at nakita niya itong nakahandusay sa sahig at may belt na nakatali sa kisame.
Iprinoseso ng mga rumespondeng tauhan ng SOCO team na pinangunahan ni PSupt Rodrigo Leal at PCI Juliet Albon ang pinangyarihan ng krimen at walang nakitang sapilitang pagpasok. Ayon kay Leal, ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay “asphyxia by hanging”. Nakita rin sa ibabaw ng lamesa sa kuwarto ng biktima ang suicide note.
Ang bangkay ng biktima ay dinala sa La Paz Funeral Homes habang hinihintay ang pagdating ng kaniyang mga kamag-anak mula sa Cagayan.
August 1, 2018
August 1, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025