19 kaso ng rape naitala sa Benguet

LOOK

AMP DANGWA, Benguet – Iniulat ng Benguet Provincial Police Office, na 19 na kaso ng panggagahasa ang naitla mula ng magsimula ang coronavirus disease (COVID-19) pandemya.

Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, ang nasabing kabuuang kaso ay naitala mula Marso 16 hanggang Oktubre 5,2020 sa kasagsagan ng nationwide community lockdown.

Ayon kay Ragay, 15 suspek ang nadakip na,samantalang 4 pa at large na ngayon masusing hinahangting ng pulisya.

Sa breakdown ng kaso, ang bayan ng  Atok ay may 2 kaso; 5 sa Buguias, 2 sa Itogon, 1 sa Kapangam, 2 sa Kibungan, 1 sa La Trinidad, 2 sa Mankayan,3 sa Tuba at 1 sa Tublay.

Ayon kay Ragay, sa parehong period noong nakaraang taon, may 34 kaso ng rape at 28 suspek ang nadakip, samantalang 6 ang at large, na nagpapakita ng 56 decresed ng insidente sa magkaparehong period.

“ It is sad that most of these cases are committed by relatives of the victims,” pahayag ni Ragay.

Panawagan nito sa magulang at sa mga guardian na bantayan mabuti ang kanilang mga anak na babae at ingatan na maging biktima ngayong panahon ng pandemya.

Zaldy Comanda