1M na 4Ps Beneficiaries sa National ID na Rehistrasyon sa taong ito

Feb 9, 2019

Isang milyong Pilipino ang nakikita ng gobyerno na matatapos sa
kanilang rehistrasyon para sa Philippine Identification System Act (Philsys) ayon sa Philippine Statistics Authority. “We are targeting one million ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ (4Ps) for the
first three months of the year to be registered under the national
ID system,” pahayag ni PSA Cordillera Regional Director Villafe Alibuyog. Sinabi niya na magsisilbi itong pilot testing para makita
ng gobyerno ang mga posibleng hamon na lulutang sa panahon ng aktuwal na rehistrasyon ng buong populasyon.
Magiging daan din ito ng gobyerno para makagawa ng pagbabago at agad na magkaroon ng mga solusyon sa preparasyon bago ang
maramihang pagrerehistro.
Sinabi pa ni Alibuyog na nasa proseso na ng pagsusubasta ang pagbili ng ID-making machines habang ang aktuwal na rehistrasyon ay mag-uumpisa pa lamang. “From March to September this will be the procurement period of the equipment we will be needing for the
implementation of the national ID System,” aniya.
Nasa limang milyon pa ang marerehistro hanggang Disyembre 2019 o kabuuang anim na milyon sa taong ito. Ang tutok ay sa mga
naninirahan sa mga liblib na barangay, mga menor de edad, senior citizens, may mga kapansanan at mga katutubong Pilipino.
Sinabi ni Alibuyog na ang Philsys ay isang limang-taon na programa ng pambansang gobyerno at ang PSA ang ahensiyang tagapagpatupad. “The plan started in 2018 and we are targeting to register 06 million individuals until 2023,” aniya.
Nakatutok din sa taong 2024 ang rehistrasyon at pag-isyu ng mga ID sa mga bagong-silang na sanggol. Dahil ipinapatupad na ang Philsys ay nagsasagawa ang PSA ng information dissemination
campaign sa buong bansa.
Ayon kay Alibuyog ang national ID system ay magbibigay ng isang balidong katibayan sa pagkakakilanlan ng lahat ng mamamayan at resident aliens kung saan magiging simple ang mga transaksiyon, pribado man o pampubliko.
Kokolektahin ang demographic at biometric information ng isang tao sa oras ng rehistrasyon. Ang demographic information ay ang mga nakikita sa ID. Ang biometric information ay mga “encoded
at stored” sa smart-chip na nakatanim sa card. Mababasa lamang ito at makikita ng mga ahensiyang pinapayagang may access sa kanila.
Para sa mga batang ang edad ay mas mababa sa lima ay demographic information at front-facing photograph lamang ang kokolektahin gaya ng pangalan, address, kasarian, kapanganakan, at blood type.
Ang mukha ng ID ay maglalaman din ng kakaibang digital number na panghabang-buhay na pagkakakilanlan ng isang tao. Non-transferable ito na tanging para lamang sa taong humahawak
nito.
Para naman sa iba, ang biometric information ay makukuha at maisisilid sa isang chip gaya ng fingerprint, iris scan at front facing photograph. Sinabi ni Alibuyog na ang National ID System Act ay ipinasa upang isulong ang maayos na paghahatid serbisyo ng gobyerno, kaginhawaan sa pagsasagawa ng negosyo, mahusay na
pamamahala at maiwasan ang korupsiyon.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagsasabatas ng Philippine Identification System Act noong Agosto 6, 2018 na layong pagsama-samahin ang mga government IDs ng mga
mamamayan at mga banyagang residente sa bansa.
 
PNA/PMCJ/ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest