LA. TRINIDAD, Benguet
Isinagawa ang kaunaunahang Salad Making Contest na bahagi sa mga activities ng ipinagdiriwang na Strawberry Festival, na ginanap sa King’s College of the Philippines, La Trinidad, Benguet, noong Marso 4. Ayon kay Dolsey Wreth Sapi, BSHM Program Chair at Event Organizer, ang contest na ito ay kaugnay sa pagtatag ng samahan kasapi ang municipal government para suportahan ang programa, at mabigyan pansin ang mga lokal naprodukto (gulay,
strawberry, atbp.) at manggagawa.
Anim na kalahok mula sa Barangay ng Ambiong, Balili, Puguis, Poblacion, Pico, at Wangal, ang nagtagisan ng
galing sa paggawa ng kanikaniyang estilo at paraan sa paggawa ng salad. Sila ay nabigyan lamang ng dalawang pangunahing sangkap (strawberry at croutons) at isang oras para matapos ang kanilang mga putaheng ihahain sa mga hurado. Nagwagi ang Barangay Wangal sa putaheng Strawberry and Mix Greens with Strawberry-Etag Vinaigrette ni Ivanric Cayat, ng Benguet National High School (243 points).
Pumangalawa naman ang Barangay Puguis (224 points) at nag tie-breaker para sa pangaltong parangal ang
Barangay Ambiong at Barangay Pico (214 points). “So happy! I’m very happy… any place I would take it na lang,” ang pahayag ni Cayat sa kaniyang pagkapanalo at kauna-unahang pagsali sa isang paligsahan.
Carl Agassi Patern-UB Intern
March 9, 2024
March 9, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024