2 Aprikano, timbog sa droga sa La Union

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Dalawang Aprikanong estyudante ang nahuli sa isang buy-bust operation na ginanap noong tanghali ng May 23, 2018, Miyerkules, sa Barangay Cabaroan, lungsod na ito.
Kinilala ang mga suspek na sila Mohamed Ahmed (26) na taga-Sudan at si Mahamat Abdallah (26) na taga-Chad Republic.
Nakumpiska sa dalawa ang tatlong pakete ng marijuana at buy-bust money na nagkakahalaga ng mahigit P4,000.
Nakapiit ngayon si Ahmed at Abdallah sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 1.
Kakasuhan ang dalawang dayuhan dahil sa paglabag sa Comprehensive on Dangerous Drug Act. Nakikipag-ugnayan naman ang San Fernando Police Station sa Bureau of Immigration para sa iba pang impormasyon sa mga nahuling Aprikano. CHRISTIAN JASTINE V. MENDOZA, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon