Nabugbog ang dalawang barangay kagawad ng dalawang magsasaka sa Brgy. Atok, Flora, Apayao.
Nakatanggap ng ulat ang Flora MPS bandang 9:30pm ng Hunyo 27 mula kay Brgy. Kagawad Juliet Guillermo Ferrer sa insidenteng alleged physical injuries (mauling incident) na nangyari bandang 9pm ng parehong sa naturang barangay.
Ayon sa imbestigasyon, bago nangyari ang insidente, ang mga biktimang sina Brgy. Kagawads Rickson B. Alawin, 37; at Crisente Tuliao, 61; kapwa residente ng nasabing barangay, kasama si Marlon Abad Dudoc ay nag-iinuman sa harap ng tindahan ni Dudoc. Dumating ang mga suspek na sina Jaime Flores, 55, magsasaka at residente ng nasabing barangay; at Michael Baloaloa, 47, magsasaka at residente ng Poblacion, Flora, Apayao; kasama sina Benedict Flores at Reggie Conner upang bumili ng dalawang bote ng alak. Matapos makabili si Benedict ng alak ay iniabot ito kay Conner na naghihintay sa tricycle nang magkaroon ng mainit na argumento sa pagitan ng dalawang suspek at ni Tuliao na nagresulta sa suntukan. Binugbog ng mga suspek si Tuliao habang inaawat nina Dudoc at Alawin ang mga nag-aaway nang biglang ihampas ni Flores ang bote ng alak sa ulo ni Tuliao.
Dinala ang mga biktima sa Flora District Hospital sa Brgy. Bagutong, Flora, Apayao samantalang nahuli ang mga suspek ng mga rumespondeng PNP personnel ng Flora MPS.
June 30, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025