KABAYAN, Benguet – Dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na nakatalaga sa Gumhang Patrol Base, Tinoc, Ifugao, na responsable sa pagpatay sa isang magkapatid sa Kabayan, Benguet, ang nadakip sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office and 54th IB, Philippine Army.
Iniulat ni Police Regional Office-Cordillera Director PBGen. Ronald Lee, ang pagkakadakip sa suspek na sina Joel Asingco, 32, gunman at Abron Asingco,alias ‘Lakay”, matapos ang apat na manhunt operation, na pangunahing shooting incdent noong Abril 17.
Ayon kay Lee said, inireport ng Kabayan MPS, ang naganap na pamamaril noong Abril 17 sa Sitio Lebeng, na ang mga biktima ay nakilalang sina Agustin Sinpoda Ballagan, 59, at kapatid nitong si Cristiano Sinpoda Ballagan, 43, kapuwa magsasaka at residente ng Sitio Lebeng, Barangay Lusod, Kabayan, Benguet.
Lumitaw sa imbestigasyon na ang bitima at suspek ay may matagal alitan o’ land dispute. Napag-alaman din ang ginamit na baril sa pamamaril at itinapon sa may Bay River sa boundary ng Kabayan, Benguet at Tinoc, Ifugao.
Zaldy Comanda/ABN
April 26, 2021