2 forest guard, nalambat sa extortion

ITOGON, Benguet – Dalawang forest guard ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Benguet ang nalambat ng pulisya, matapos mangikil sa ilang small scale miners noong Miyerkoles, March 6.
Kinilala ni Police Major Ruel Sawatang, chief of police, ang dalawang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong extortion na sina Danilo Pal-iwen Atompa, 54, ng North Sanitary Camp, Baguio City at Dino Landisan Lasaten, 58, ng Quezon Hill, Baguio City.
Sa imbestigasyon, nakatanggap ng reklamo ang pulisya mula sa ilang minero kaugnay sa pangingikil ng dalawang suspek, na agad
namang inaksyunan para madakip ang mga ito.
Nagsagawa ng entrapment operation ang magkakasanib na tauhan ng Itogon MPS, PDEU, PIB at Benguet PMFC, dakong alas 3:10 ng hapon sa may Level 5000, Baguio Gold, Tuding, Itogon, Benguet, na siyang malimit umanong puntahan ng mga suspek.
Mula sa ipinain ng pulisya na 2 pirasong P1,000 at 8pirasong P1,000 boodle money ay nasakote ang dalawang suspek.
Nakuha sa kanila ang mga ebidensya, kabilang ang dalawang DENR ID at cellphone.
Ang entrapment operation at inbertaryo ay sinaksihan nina Barangay Lupon Domingo Guiad at Barangay Tanod Rogelio Valdez.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon