2 GOLD THIEVES SA BENGUET, NASAKOTE SA DAVAO DE ORO

LA TRINIDAD, Benguet

Nalambat na ang tinaguriang National Top Most Wanted Person, kabilang ang kapatid nito na kapuwa may kasong robbery with multiple homicide, na nagtago ng halos siyam na taon, ang nasakote sa kanilang hideout sa Barangay Pantukan, Compostella Valley, Davao de Oro, noong Abril 14. Sa ulat ni Col. Damian Olsim,provincial director ng Benguet Provincial Police Office, kay Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional OfficeCordillera, ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina Danny Domyong Nabulay, 43, at Rimando Domyong, 46, kapwa tubong Mankayan, Benguet at kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar ng pag-aresto.

Si Nabulay ay nakalista bilang National Most Wanted Person na may P250,000 rewards sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) o/ Department of National Defense (DND) MC 2006-28 (COPLAN YALUBAN). Ang magkapatid ay inaresto ng magkasanib na operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Benguet Provincial Police Office; Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) Cordillera, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Davao De Oro, at Pantukan Municipal Police Station (MPS), Nabatid na halos siyam na taon nang nagtatago ang magkapatid na alam nilang hindi na sila matutunton sa malayong lugar.

Sa pamamagitan ng malawakang operasyon ng pulisya at intelligence gathering ng mga operatiba ng BPPO, natunton at naaresto ang dalawang pugante na tumakas sa batas. Noong Setyembre 20,
2003, ang mga suspek ay kabilang sa anim na indibidwal na armado ng mga hindi lisensyadong baril, marahas na ninakawan at tinangay ang 21.860 kg ng gintong bullion na nagkakahalaga ng
P13,200,000.00 at dalawang M16 Riffle na nagkakahalaga ng P60,000.00, na pawang may kabuuang halaga. P13,260,000.00 na pag-aari ng Lepanto Consolidated Mining Corporation (LCMC). Sa okasyon ng pagnanakaw, pinaputukan ng mga akusado ang sasakyan na ikinamatay ng lahat ng limang empleyado ng LCMC na nagescort sa gold bullion.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon