2 LABORER NALUNOD SA LAKE SA MOUNTAIN PROVINCE

BAUKO, Mt.Province

Dalawang laborer ang namatay matapos malunod habang nangingisda sa gitna ng Lanas Lake sa
Barangay Mayag,Bauk o, Mountain Province, noong Disyembre 21. Kinilala ang mga biktima na
sina Mayzzon Vicente Batatas, 24 at Czar Jay Vicente Opag, 20, kapuwa residente ng Kayan
West, Tadian, Mountain Province. Ayon sa imbestigasyon ng Bauko Municipal Police Station,
ang mga biktima kasama ang ilang kaibigan ay dumating sa lugar dakong alas 10:00 ng umaga para mag-picnic.

Napagkasunduan ng dalawang biktima na gumamit ng bangka para mangisda sa gitna ng lake,dakong alas 3:30 ng hapon, subalit nahulog umano sa tubing si Bataas. Agad na sumaklolo ang
kasama nitong si Opag para sagipin ang biktima,subalit pareho na silang nalunod athindi na nakita.
Ang insidente ay inireport sa pulisya dakong alas 5:30 ng hapon at agad nag-responde ang mga tauhan ng Bauko MPS, Bureau of Fire and Protection, Municipal Disaster Risk and Reduction
Management Office at Tourism Office-Bauko, kabilang ang ilang residente para magsagawa ng search and rescue operation. Naihaon ang mga rescuer ang labi ng dalawang biktima kinabukasan, dakong alas 7:28 ng umaga ng Disyembre 22.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon