2 mangingisdang nagpasabog ng dinamita, huli sa Pangasinan

SAN FABIAN, PANGASINAN – Huli ang dalawang mangingisda dahil sa pagpapasabog at nasamsam ang anim na improvised dynamite nang isagawa ng San Fabian police ang magkasunod na search warrants sa kanilang tahanan sa Barangay Nibaliw Narvarte, San Fabian noong July 18.
Ayon kay Chief Inspector Arvin Jacob, chief of police ng San Fabian town, ang dalawang suspek ay matagal nang minamanmanan dahil sa laganap na pagpapasabog sa kanilang pangingisda sa Lingayen Gulf malapit sa San Fabian.
Ang search warrants ng dalawang suspek, kabilang ang isa pang mangingisda na hindi pa nakikilala, ay inilabas ni Regional Trial Judge Ellen Aguilar ng Branch 70 sa bayan ng Burgos.
Ang mga suspek na naaresto ay kinilalang sina Boyet Salcedo, 46, na nakitaan ng dalawang improvised bottles ng dinamita sa kaniyang tahanan; at Jayson Imbornal, 46, nakitaan sa kaniyang tahanan ng apat na bote ng improvised dynamite, dalawa sa takip nito ay napasabog na.
Inaresto ng mga pulis ang dalawa kabilang ang isa pang mangingisda mula sa La Union na diumano’y responsable sa muling pagkabuhay ng pagpapasabog sa pangingisda sa Lingayen Gulf.
Ang dalawang suspek ay iniimbestigahan pa rin para sa paghahanda ng mga kasong isasampa laban sa kanila sa paglabag ng Presidential Decree No. 1866 o illegal na paggawa, pagbebenta, pagkuha, disposisyon o pagtataglay ng mga pasabog. Leonardo V. Micua/PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon