2 miyembro ng NPA sumuko noong Cordillera Day

Headlines

LA TRINIDAD, Benguet – Dalawang miyembro ng New People’s Army ang boluntaryong sumuko sa Benguet Provincial Police Office, kasabay sa selebrasyon ng 33rd Cordillera Day, noong Hulyo 15.

Kinilala ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, ang sumuko na sina Alias Boyet, 32 at Alias Abe,43, kapuwa tubong Basao, Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay Ragay, si alias Boyet, ay miyembro ng Leonardo Pacsi Command/KLG Marco, na nag-ooperate sa bayan ng Tinglayan, Bontoc at Sadanga bilang team leader. Isinuko nito ang kanyang M14 Rifle (Cal. 7.62mm) at isang magazine loaded with 12 ammunitions.

Si Alias Abe, na kasapi ng Lejo Cawilan Command/KLG Baggas at team leader sa operasyon nito sa mga bayan ng Tinglayan, Lubuagan, Pasil, upper Tabuk City of Kalinga ay isinuko nito ang kanyang Cal. 45 pistol na may piyong bala.

Ang pagsuko ng dalawa na hangad ay kapayapaan at pagbabagong-buhay ay sa matiyagang negosasyon na isinagawa ng mga tauhan ng PIU/PDEU sa pamumuno ni PMajor Dinulong Tombali at PMFC sa pamumuno ni PLt.Col. Stephen George Antonio, kabilang ang NISG-Northern Luzon, RIU-14 at RID.

Zaldy Comanda / ABN