2 Navy officers, 8 iba pa, kakasuhan sa namatay na 2 Vietnamese

Oct 14, 2017

LINGAYEN, PANGASINAN – Inirekomenda ng Sub-Task Group on Investigation (STGI) na binuo ng Provincial Committee on Illegal Entrants (PCIE) ang pagsasampa ng kaso sa dalawang miyembro ng Philippine Navy (PN) at walong enlisted personnel na sangkot sa pagpapaputok ng warning shot na kumitil sa buhay ng dalawang Vietnamese na ilegal na nangingisda sa Cape Bolinao.
Nakita sa pagsisiyasat ng task force na may pagpapabaya sa bahagi ng mga operatiba ng Navy nang nagkaroon ng maling kalkulasyon sa pagpapaputok ng warning shots sa tumatakas na barkong Vietnamese kaya tinamaan ang dalawang mangingisda na noon ay nagtatago sa forward cargo compartment ng barko, umaga ng Setyembre 23, 2017.
Nakasaad din sa ulat ng task force na magsasampa ang PN ng kaso kontra sa limang kasama ng dalawang Vietnamese dahil sa ilegal na pangingisda sa exclusive economic zone na sakop ng Pilipinas.
Ayon kay Capt. Joseph Coyme ng Philippine Coast Guard na namumuno sa task force, ang rekomendasyon ay nabuo base sa kanilang natuklasan matapos ang masusing imbestigasyon.
Kabilang sa kanilang rekomendasyon ang agarang repatriation o pagpapauwi sa labi ng dalawang Vietnamese sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ang pagbibigay ng kopya ng resulta ng imbestigasyon sa Vietnamese embassy, DFA, PN, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Pinasalamatan naman ni PCIE spokesperson at Pangasinan police provincial director Senior Supt. Ronald Lee ang mga miyembro ng STGI para sa “transparent, impartial and honest-to- goodness” na imbestigasyon sa insidente.
“It was a delicate case but it was handled the way it should be handled. All evidences and persons of interest were accessible. Sa processing of evidences lang medyo nagtagal but now, the result is here,” ani Lee.
Ipinaliwanag nito na iiendorso ng PCIE ang report at rekomendasyon ng task force sa Regional Committee on Illegal Entrants (RCIE).
Samantala, sinabi ni Lee na ang bangkay ng mga Vietnamese na sina Le Van Reo at Phan Van Liem ay dinala na sa Ninoy Aquino International Airport noong Oktubre 6 para sa kanilang flight, 10am ng parehong araw. Ang magkasanib na tauhan ng kapulisan, Navy, at Marines ang nagbigay ng seguridad at nag-escort habang inihahatid ang mga labi sa airport.
Ayon kay Lee ay iniulat ni Tran Dung Minh, kinatawan ng Vietnamese embassy at interpreter ng grupo, na ang mga labi ay matiwasay na naihatid sa kanilang pinagmulang bayan sa Tuy Hoa, Phu Yen sa Vietnam. VHS,PIA-Pangasinan / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest