Beautician, nahuling nagbenta ng shabu

Huli ang isang 22-anyos na beautician sa pagbebenta ng shabu sa isinagawang sting operation ng pinagsamang operatiba ng anti-narcotics ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at lokal na pulis, umaga ng October 8, 2017 sa City Camp Alley Extension, City Camp Proper, Baguio City.
Ang suspek na residente ng Monterrazas, Tuding, Itogon, Benguet, ay nahuling nagbebenta ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000 sa isang undercover agent.
Dinala ng PDEA ang suspek, na itinago ang pangalan, sa PDEA-CAR jail facility sa La Trinidad, Benguet at nakabinbin pa ang kasong ipipila sa suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act Number 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ACE ALEGRE
 

Amianan Balita Ngayon