2 pusher, timbog sa Pangasinan drug operations

LUNGSOD NG DAGUPAN – Dalawang drug pusher ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis sa sabay-sabay na drug buy-bust operations sa mga bayan Binmaley at Malasiqui, Pangasinan noong Lunes.
Inaresto si Eduardo Cerezo, 34, ng Barangay Basing, Binmaley, at nakuha ng mga awtoridad sa kaniya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P500 buy-bust money.
Ang buy-bust operation ay isinagawa ng PDEA at Binmaley Police bandang 3:20 pm nang pumayag si Cerezo na magbenta ng shabu o methamphetamine hydrochloride sa isang police agent na nagpanggap na buyer.
Samantala, inaresto ng pinagsanib na elemento ng PDEA sa Ilocos region, Dagupan at Malasiqui police sa isang buy-bust operation sa Barangay Taloy, Malasiqui si Reynaldo Caguioa alyas Reagan, 36, ng Sitio Boquig, Paitan, San Carlos City.
Ito ay isang follow-up operation ng police sa Malta Subdivision sa Dagupan City noong nakaraang linggo nang maaresto si Wilberto Castro, isang drug pusher mula Paitan, San Carlos City na isa ring suspek sa pagpatay kay PO2 Jimbo Agtarap ng San Carlos City noong nakaraang taon.
Nakumpiska mula kay Caguioa ay isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, P500 marked money, limang piraso ng boodle money at isang black cellular phone.
Kapuwa nakakulong ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang naamiyendahang anti-illegal drugs law. ABN

Latest News

Amianan Balita Ngayon