35 top most wanted persons naaresto sa Benguet

CAMP DANGWA, Benguet – Iniulat ng Benguet Provincial Police Office na naaresto ang 35 top most wanted persons sa nakaraang buwan sa isinagawang pinaigting na anti-criminality operations sa probinsiya.
Sinabi ni SSupt. Lyndon Mencio, Benguet provincial director, na sa buwan ng Enero ay nakapagtala ng pagkakaaresto ng 35 wanted persons na may warrant of arrests.
Lima dito ay notorious top most wanted persons (TMWP) sa provincial level; pito ay TMWP sa municipal level at 23 personalities ay napabilang sa other wanted person.
Sinabi ni Mencio na 11 ay nakasuhan ng statutory rape, child abuse, violence against women and children (VAWC) at frustrated murder.
Ang ibang 14 personalities ay nakasuhan ng acts of lasciviousness, estafa, theft, malicious mischief, at BP 22 (Bouncing Check Law).
Inihayag niya na ang accomplishment ay manipestasyon ng concerted effort on collaboration, coordination, cooperation at consultation ng Benguet PNP investigators at operatives na may aktibong suporta ng komunidad at local government officials.
Ipinakita dito ang kahalagahan ng police-community relation bilang isang epektibong istratehiya sa pagpapanatili ng peace and order at sinisiguro ang kaligtasan ng publiko sa probinsiya.
Tiniyak ni Mencio ang nananatiling implementasyon ng anti-criminality campaign nito lalo na sa pagpapababa ng crime incident at pagpapaunlad ng crime clearance at crime solution efficiency. Zaldy Comanda

Latest News

Amianan Balita Ngayon