TUBLAY, Benguet
Mahigit sa 1,500 residente ang naserbisyuhan ng ika-7 yugto ng ‘Healthier Benguet Caravan’ na programa ang provincial governmet sa pangunguna ni Governor Dr. Melchor Daguines Diclas, na ginanap sa municipal gym, Barangay Caponga, Tublay, Benguet,noong Abril 19. Layunin ng programang ito na ilapit ang iba’t-ibang serbisyo, konsultasyon, at suporta sa mga komunidad, at itaguyod ang inisyatibong pangkalusugan at kagalingan sa buong Benguet.
“Ti kayat tayu ket iasideg ti services ti province, tapnu makita met dagiti kakailyan tayu dituy tublay dagituy nagduduma nga serbisyo tayu. Ta ti main goal tayu met ket to make the lives of people easier,” paliwanag ni Gov. Diclas sa isang panayam. Dagdag pa niya, “we would like that awan ti mabati nga tao, ti kayat tayu ket ag improve amin nga kakailyan.” Kaakibat ang Tublay Municipal Government, sa pamumuno ni Mayor Armando Lauro, maraming serbisyo ang ibinigay.
Pangunahin dito ay mga serbisyong medical at laboratoryo kagaya ng minor surgeries, ultrasound, ECG, eye check-up, at dental care. Iba pang mga serbisyong inalok ay ang distribusyon at pagbigay ng patent, paralegal, veterinary services, pamamahagi ng mga binhi, koleksyon ng buwis sa real property (RPT), pamamahagi ng food packs sa mga batang may kapansanan, at iba pang mga serbisyong inaalok ng Social Security System (SSS), Professional Regulation Commission (PRC), PhilHealth, at Philippine Statistics Authority (PSA).
Nagpasalamat naman si Lauro sa programang ito ng Benguet Provincial Government. “We are very happy to be the host this time, kasi top benefit syempre is yung accessibility ng mga services like philhealth, especially ultrasound and ECG… yong time element din ng ating mga residente, hindi na nila kailangang pumunta sa kapitolyo, anditu na, so it’s a package deal.” Ang HEALTHIER ay kumakatawan sa mga sumusunod: Health, Education, Agriculture, Livelihood, Tourism, Human Resource, Infrastructure, Environment, at Responsive Governance.
Ito ay buwanang isinasagawa at sa koordinasyon ng iba’t-bang Municipal Government upang magbigay serbisyo sa lahat ng munisipalidad ng Benguet. Ang ika-8 yugto ng caravan ay mangyayari naman sa munisipalidad ng Tuba
ngayong darating na Mayo.
Ruffa Mae Payangdo/UB-Intern/ ABN
April 26, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024